Akala

Noong mga nakaraang araw na naghihintay ako ng resulta, akala ko abot kamay ko na yung hinihintay kong tagumpay. Pero totoo pala talaga yung hindi mamatay-matay na kasabihang “Kung hindi mo nakamit ang pinapangarap mo, may iba pang mas magandang nakalaan para sa iyo.”

Akala ko kinaya ko, pero bandang huli ay naging isa pala ako sa mga nabubuhay na patotoo ng katagang ito, at buong pusong aaminin ko

Isa ako sa mga bigong ito.

Oo, nabigo ako sa larangan ng pakikipagsabayan sa utak ng mga mas may alam. Akala ko kasi sapat na yung kapasidad ko pero pinatunayan nun na kailangan ko pa ng higit na pagkatuto. Isa lamang din ako sa mga taong ginagawa at pinagpapatuloy yung tinatawag nilang PAG-AARAL hindi para sa sarili, hindi para sa pera o kung anuman, kundipara mabigyan ng parangal ang paghihirap ng mga taong umaasa sa akin at naniniwala na kaya ko.

Hindi rin naman masama magkamali kahit minsan, ‘di ba?

Alam ko rin na kailanman, hindi mababatay ng kabiguang ito ang ilang daang halik ng tagumpay na siya nang nakamit at maaari ko pang makamit sa hinaharap.

Pasensya na kung nabiktima ako ng mga maling akala ko. Siguro nga hindi lang talaga pabor sa atin ang tadhana dahil gusto niya na manatili at magsilbi ka sa akin na leksyon na laging ipapaunawa at walang sawang ipapamukhang…

Minsan ang pagkatalo ay daan para sa pagkatuto.

🙂

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started